Wag ako!
ni: Cj_denaser
ni: Cj_denaser

Bawat oras ,minuto at segundo
Ikaw ang laging nasa isip ko
Wala ng iba kundi ikaw
Dahil ikaw ay sapat na.
Marami tayong mga alaala na dinadaanan
Itaga mo man ito sa bato para hindi malilimutan
Masaya ako kapag tayo ay magkasama
Lalong lalo na kung saan-saan nalang tayo magpunta.
Halos butas na nga bulsa mo
Pero kahit papano hindi ka parin nagreklamo
Ganyang klase ng lalaki na atat na atat ko
Dahil alam ko na minahal ako ng husto at totoo.
Ikaw ang aking kabagang pag ako ay may problema
Nandiyan ka palagi kahit busy ka
Kahit medyo corny ay nakuha ko pa ring tumawa.
Nandiyan ka sa tabi ko, di mo ko iniwan
Palagi mo akong tinulungan at
Sinusuportahan mo ako sa lahat
Ang tunay na pag ibig ay ganyan dapat.
Parang aso't pusa kung tayo'y mag-away
Pero ni minsan hindi natin naisipan ang maghihiwalay
Natapos natin ang ganyang mga bagay
Kasi sa totoo lang, ganyan ang buhay.
Ang buhay ko ay punong - puno ng gulo
Sobrang nakakasakit ng ulo
Pero pagkanandito ka sa tabi ko
Nawawala ang buhay kung gumuguho.
At dahil diyan, huwag mo kong iiwan
Kasi hindi lang ako masasaktan
Tayong dalawa rin ang magdudurusa
Kasi naman pag ako ay lumuha
Siguradong -sigurado na babaha.
Ngunit bigla ka nalang nagbago
Ewan ko kung bakit ka nagkakaganito
Yung taong minahal ko ng husto
Ay tila ngayo'y pusong bato.
Bakit?
Yan lang ang tanong ko
Tanong na ayaw kung masagutan
Dahil alam ko na nagdudulot lamang ito ng kasakitan.
Nasa'n na yong pangako mo?
Nasa'n na yong sumpa mo?
Na ikaw lang at ako
Nasan? Bakit mo ako binigo?
Oh! Kay sakit ng iyong ginawa
Halos ako'y mangiyak at mangapa
Di halos makahinga
Sa iyong paglisan sinta.
Ngunit ako'y babangon,
Ipapakita ko sayo ang iyong tinapon
Na kayang maging masaya at aahon
Sa iniwan mong kahapon.
At alam kong darating din ang panahon
Na ikaw ay nagbabalik at nagpupunit na ibalik ang kahapon
Ngunit isang sorry nalang ang aking tugon
Dahil ikaw na'y aking ibinaon.
Kung ako sayo?
Maghanap ka nalang ng ibang maloloko
Iwasan mo lang ang dalawang salitang ito
Wag ako!
Gabay ng Magulang
ni: BhebzM
Simula pa lang sa pagsilang
Hanggang sa ako ay mayroon ng gulang
Sila ang aking palaging kabagang
Bilang mabubuting mga magulang.
Kahit kami ay isang kahig, isang tuka
Hindi pa rin nila ipinamumukha
Sa amin kung gaano kami kadukha
Sapagkat kahit munting biyaya, sa amin kanilang ipinagpala.
Kaya sa pag-aaral dapat magsunog ng kilay
Upang magsilbing alay
Para sa kanilang tulong at gabay
Upang sa huli, makamit ang tagumpay.
Magagalitan man ako madalas
Tinatanggap ko para sa kabutihang hiyas
Na siyang magagamit ko bukas
Para sa mabulaklak na landas.
Kaya bilang isang mag -aaral
Dapat I-krus sa noo ang lahat ng bawal
Na ibinibigay ng mga magulang na banal
Upang sa huli ay hindi maging hangal.
Kahit ako man ay pasaway
Hindi parin nila ako inaaway
Dahil sila ang aking kahiramang suklay
Para sa ligayang walang humpay.
Kaya ngayon ng mag-aaral pa lang ako
At humihingi pa ng kanilang sustento
Pero dapat matutong makuntento
Para maiwasang lumaki ang ulo.
Kaya dapat nating tandaan
Na ang lahat ng pinag-aralan
Ay dapat balikatan ng kabutihan
Para sa minimithing kaginhawaan.
Kabatakan! Kaputol ng Pusod kung maituturing!
ni: Marianellaine
Barkada! Sila ang palagi nating maasahan
Sa panahong tayo ay nasa kagipitan
Sa tuwing malumbay ang ating nararamdaman
Sila ay nandiyan sa lahat ng oras upang ikaw ay antabayanan.
Tunay na kabatakan kung sila'y aking tawagin
Sapagkat turing ko sa kanila'y kaputol ng pusod natin
Na siyang nagbibigay galak sa aking damdamin
At kahit magkawatak -watak may patuloy ko pa ring mamahalin.
Ang mga kaibigan kong ito'y totoo, yan ang aking napagtanto
Sapagkat handa silang umagapay ano man ang problema mo
Kung minsan may kalog ang utak ng mga ito.
Pero kapag ika'y may dinaramdam, handa silang magbigay ng pampatabang puso.
Sabi nga sa iba, mahirap maghanap ng tunay na barkada
Sapagkat karamihan sa mga tao ngayon ay nagbabalat kayo na
Ang iba pa nga raw ay mabait lang sa una
Ngunit habang tumatagal , ang kanilang tunay na kulay ay lumalabas na.
Ngunit kahit gano'n ang kanilang usap- usapan
Hindi ko inaalintana kung ito ba'y makatotohanan
Dahil naniniwala ako na kapag ipinapakita mo ang iyong tunay na pagkatao
Tatanggapin ka nila at mamahalin ng buong - buo.
Akala ko lang
ni : mae_mb
Tatlong salita, labin isang letra
Salitang ginagamit ng mga umaasa
Umaasang magkakaroon ng sila
Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana
Dito ko na sisimulan ang aking tula
Tulang inspirado ng mga umaasa
Umaasang parang kapapalad na
Ngunit sila'y naging masaya, kaya pakinggan niyo na
Sa bawat araw ikaw ang hanap
Sa bawat sandali ikaw pa rin ang sinusulyap
Ngunit sa isang iglap biglang nagbago ang lahat
Nang minsang umupo ka sa aking tabi at tayo'y nag - usap.
Sa ilang araw ang nagdaan nung akala kong alam mo na
Nung alam mo na, na may pagtingin ako sayo sinta
Akala ko talaga, akala,akala, akala
Pero yun pala'y isang maling akala
Nung araw na sobrang "sweet" ka sa akin
Na parang malagkit sa sobrang dikit
Yung araw na yun, yung araw na di ko malimot - limutan
Dahil ito'y masayang ala-ala na aking nakamtan.
Tanda mo pa kaya yung sinabi mo sa'kin dati?
Yung sabi mong mahal kita
Pilit kong naghunos din nung narinig kita
Di ko alam kung seryoso o nagbibiro ka.
Isang araw tinanong kita kung totoo ba
Sabi mo, oo totoo ang lahat ng salitang narinig mo sa akin nun
Muntik nakong maniwala, akala ko mahal mo din ako sinta
Akala ko mahal mo din ako ngunit bilang kabagang lang pala.
Makabagbag damdamin, akala ko talaga totohanan na
Pero yun pala umaasa na naman ako sa wala
Kaya ayoko na, ayoko nang maniwala pa sa aking mga akala
Higit sa lahat ayoko nang mabilanggo pa sa mga salitang AKALA KO LANG.
“PRINSESA NG AKING IMAHINASYON"
Ni: edge eballe jr.
Nandito na naman ang isang makata,
Nag iisip ng panibagong tula
Di alam kung pa'no magsisimula
Ang gusto ng isip na balak maitala.
Nang itong si ikaw ay pumasok sa aking isipan
Puso'y napukaw, nagmahal muli ng lubusan.
Maraming paraan ngunit ikaw lamang ang dahilan
Dahilan kung bakit itong puso'y muling nabuksan.
Araw at gabi ikaw ang laging iniisip
Hanggang sa pagtulog ikaw ang laging panaginip.
Puso'y nag aasam sa mga hanging umiihip
Na sanay dingin ang hiling ng buwang nakasilip.
Oo, akin ka sa aking imahinasyon,
Sana'y hindi lang hanggang doon.
Titiisin ang haba ng panahon,
Abutin man ng araw at ilang mga taon.
Subalit puso'y nadurok sa aking nakita
Ang prinsesang aking hawag ay pagmamay ari na nang iba.
Tayo'y pinag tagpo ngunit hindi para sa isat isa
Parang tubig at langis na hindi pwedeng magsama.
Prinsesa, hanggang dito nalang ang makatang tanga
Masakit man sa dibdib, itoy tatanggapin ko na.
Paalam na, oh aking mahal na prinsesa,
Wala na ang prinsipeng handang ipaglaban ka.
Gago! Ikaw ay manloloko (Unang Nabuo)
ni: martinezjeff
Gago! Ikaw ay manloloko
Di ko alam kung ano nasa isip mo na ginawa mo sa akin ito
Ano kaba talaga sa tingin mo?
Diyos na sinasanto?
Napakamanloloko mo
Akala mo naman kung sino
Isa ka lang manloloko, Gago!
Di ka deserving mahalin ng isang katulad ko.
Sana ikaw ay magsisisi sa ginawa mong kasalanan
Upang mabawasan ang iyong kagagohan
Ngayong ikaw ay linti ko na kinalimutan sa aking puso't isipan
Upang mabawasan ang sakit na nararamdaman
Paalam na sayo taong mahilig sa lokohan.
MGA MANUNULAT NG TULA
"TEAM MAPAGBAGO"
CRISTEANJEN RESANE
JENEVIVE MONTANO
MARINELLA NUEZ
SHARAMAE LEMONERAS
EDGARDO EBALLE
JEFFREY MARTINEZ
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento